Pangarap

Pangarap isang salitang kay hirap tarukin
Marami ang naghahangad na ito ay kamtin
Madapa man at mahirapan pinipilit akyatin
Marating lamang nila ang nais tunguhin

Mga tao ay sumubok na ito ay makuha
Sa halip na magtagumpay ay nabigo sila
Subalit ang iba’y di nawalan ng pag-asa
Bumangon at nagpatuloy sa pakikipagbaka

Totoong marami at di lamang iilan
Pangarap ay binuo sa kanilang isipan
Di naman nabigo at kanilang nakamtan
Tagumpay ng pangarap na kanilang inaasam

Pangarap ay huwag kailanman susukuan
Maraming ulit mang mabigo, huwag panghihinaan
Piliting makamit mahirap man ang pagdaanan
Dahil sa bandang huli, PANGARAP mo’y makakamtan

-fidelsvbenedictoii

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *