
Ang kirot at hapdi ay dama mo pa rin,
hindi na mapawi ng gamot na bilin;
iba’t ibang kilos… gusto sanang gawin,
ngunit itong sakit… siyang pumipigil!
Hindi makaupong may ngiti sa labi ,
sa sakit at kirot… laging nangingiwi;
kaylangang tumayo … pumunta sa tabi,
upang may matapos kahit na kaunti!
Sa gabi pagtulog… di rin pinalagpas,
hindi mo na alam… saan ka haharap;
akala mo sana… pahinga na dapat,
bakit itong sakit di pa rin lumipas?
Pag asa’t tiwala… huwag iwawalay,
lahat ng nangyari’y mayroong dahilan;
Huwag iisiping ikaw’s sinasaktan,
Dahil lahat naman… pansamantala lang!
Patuloy magtiwala… at laging isipin,
Mga bagay na ito… lahat lilipas din;
At isang umaga… ikaw’y magigising,
Sakit na nadama… tuluyan ng nagmaliw!
MarlBen
Dubai, UAE
25Mar2021