Ano ba ang meron sa isang bulaklak
At mga bubuyog ay lilipad lipad?
Dahil ba ito sa taglay niyang ganda
O dahil sa bango na kaaya aya?
Dahil ba sa matinggkad na kulay niya
o dahil sa kanyang mga dahon at sanga?
Sa aking pagkaalam bubuyog ay naakit
di dahil sa bango o kulay kaya lumalapit
di rin dahil sa dahon at sanga sa kanyang paligid
kundi dahil sa nektar na sakaya’y nasasaid.
Ngunit sa sandaling nektar ay wala na
magandang bulaklak ay simulang malalanta
mga bubuyog na dati ay nahalina
lilipad papalayo… hahanap ng iba.
Ang tunay na pagmamahal ay di dapat sukatin
Kung ano ang meron at kung ano ang wala rin
Kung ano ang kaya at hindi kayang gawin
ang higit na mahalaga ay malinis na hangarin.
MarlBen
Dubai, UAE
Feb 14, 2023